Ilang daang horseshoe crabs (Limulus polyphemus) ang kinukuhanan ng dugo kada taon upang makakuha ng substance na tinatawag na Limulus Amebocyte Lysate (LAL). Ang LAL ay ginagamit para suriin ang intravenous drugs at medical equipment kung mayroong presensya ng bacteria at endotoxin, na nakakalason at makikita sa lahat ng bacteria. Ang endotoxin ay kayang manatiling buhay kahit dumaan pa sa heat sterilization at maging sa maliit na presensya nito ay puwedeng humantong sa malubhang impeksyon o maging sa kamatayan ng tao kapag kasamang dumaloy ito ng intravenous sa dugo. Ang LAL test ay lubhang sensitibo ay kayang makatuklas kahit ito pa ay masmaliit pa sa one femtogram (a millionth of a billionth of a gram) ng endotoxin sa milliliter ng tubig.
Panano ito gumagana?
Ang horseshoe crabs kahalintulad ng ibang hayop na may immune system na proteksyon laban sa infection. Kapag ang horseshoe crab ay napinsala at may presensiya ng bacteria ang immune system ay nagsisismula ng proseso ng clotting reaction para maselyuhan ang napinsalang bahagi. Ang immune system ng horseshoe crab ay gumagamit ng endotoxin para maging sinyales sa impeksiyon, kahit sa maliit na presensya ng endotoxin ay magkakaroon ng mabilis na clotting reaction. Noong nadiskubre ito ng mga siyentipiko ay maaari itong gamitin upang makagawa ng epektibong pagsusuri para malaman ang presensiya ng endotoxin. Ngayon ang horseshoe crabs ay hinuhuli sa karagatan at dinadala sa laboratoryo upang kunin ang dugo at iniiniksiyunan ng karayom sa kanilang puso upang makuha ang masaganang dugo. Isang immune sytem cell na tinatawag na amebocytes ang inihihiwalay sa nakuhang dugo para makuha ang clotting (factor lysated). Kapag isinama ang genus name ng horseshoe crabs, Limulus, ay makakabuo ng Limulus Amebocyte Lysate (LAL) test. Pagkatapos ng paghihintay ang presensiya o kawalan ng clotting reaction ay nagpapakita ng reaksiyon kung mayroon itong presensiya ng endotoxin.
Mga karagdagang impormasyon:
May ilang horseshoe crabs ang namamatay sa actual bleeding procedure. Hinuhuli mula sa dagat at inaalis sa tubig, dinadala sa bleeding facility, linilinis ang buong katawan, sterilized, at kinukuhanan ng dugo bago ibalik sa dagat na maaaring magdulot ng stress sa mga nilalang na ito. Ayon sa pagtala ang mortality rate from capture to recovery ay masmababa sa 8% pero may ilang survey na naglalabas na mas higit na mataas sa 30%. Napapalitan ang blood fluids nawala sa loob lamang ng isang linggo o higit pa pagkatapos na ito ay makuhanan ngunit may ilang buwan ang lilipas bago mapalitan ang blood cells.