Maraming takot kumain ng mga pagkaing maalat dahil sa sakit na posibleng idulot nito sa katawan. Kaya lang siyempre, hindi rin naman maaaring walang asin o anumang pampaalat ang pagkaing iyong kakainin. May maidudulot nga kayang mabuti sa katawan o kalusugan ang asin o ‘salt’? Narito ang ilang benepisyo nito.
Tumutulong para mapanatili ang tubig sa katawan. Ang katawan ay nangangailangan ng electrolytes, kasama na ang asin, para sa mas maayos na paggalaw ng mga bahagi nito. Tumutulong kasi ang electrolytes para makaramdam ka ng uhaw, kaya itutulak ka ng iyong isip na uminom at magkaroon ng tamang dami ng tubig sa katawan. Dahil dito, hindi mo mamamalayan na nalilinis na ang iyong kidney. Malaki rin ang epekto nito sa iyong blood pressure. Isipin mo na lang, bakit ang mga bars at restaurant ay namimigay ng libreng mani o anumang maalat na snacks? Ito ay para mauhaw ka at bumili ng mas marami pang drinks!
Muscle contraction. Importante rin ang asin sa iyong ugat para hindi makaranas ng paninigas ng muscles. Tumutulong din ito para mapanatili ang calcium at iba pang minerals sa iyong dugo. Kapag mayroong tamang dami ng asin sa katawan, makakaiwas ka rin sa heat stroke dahil balanse ang tubig sa iyong katawan.
Mapanganib ang kakulangan sa asin. Kung kulang ang asin sa iyong katawan, posibleng magkaroon ng “sodium deficiency” at mapanganib ito kapag ikaw ay nasa isang mainit na lugar dahil makakaranas ng matinding pagpapawis hanggang sa matuyuan ng tubig sa katawan o tinatawag na “dehydration”. Importante ang asin para magkaroon ng maayos na kalusugan, kaya kung magkukulang ka sa asin maaaring maapektuhan ang “tissue-water” at “acid-base balance” mo sa katawan. Ang tamang sodium sa katawan ay 2,400-3,000 mg kada araw.
Mahalaga ang asin para magkaroon din ng maayos na panlasa. Tumutulong rin ang asin para sa maayos na panunaw ng iyong tiyan dahil nagbibigay ito ng hydrochloric acid para mapatibay ang stomach walls ng iyong tiyan.