May mga taong bumababa ang confidence kapag medyo overweight.
Masyadong nako-concious, nai-insecure.
At ito ay may epekto sa kanilang love life pati na rin sa sex life.
Pero kahit ano pa man ang iyong figure, kung may confidence ka, hindi problema ang pagiging overweight.
Nasa isip lang ‘yan, kung paano mo dadalhin ang iyong sarili at kung papaano ka dumiskarte.
Iminumungkahi na laging pangalagaan ang kalusugan pati na ang figure dahil kung healthy ka, healthy rin ang iyong sex life.
Ang ‘poor body image’ ay nakakaapekto sa iyong sex life pero kung hindi mo matatanggap ang iyong sarili, ang weight, ang figure, ang iyong size, malamang na maging single ka forever.
Ganito ang diskarte, kailangang maamin mo sa iyong sarili na ikaw ay ‘mataba, overweight, o chubby.
Puwedeng tanggapin mo na lamang ito at maging confident sa iyong sarili.
Pero sa iba, dahil hindi nila gusto ang kanilang nakikita sa sarili, ito ang kanilang nagiging motibasyon para baguhin ang kanilang image.
Lumalabas na kailangan mo munang kamuhian ang iyong sarili para baguhin ito.
Ang ganitong pag-iisip ang madalas na nagiging dahilan para maging self conscious ang mga taong overweight, kaya nawawala ang kanilang desire at sex drive.
Kung laging iniisip ang iyong mga’curves’ at mga fats na bumubukol, mahirap ma-enjoy ang ‘moment’ lalo na sa oras na kasama mo ang iyong partner.
Mas conscious ang mga babae sa image kaysa sa mga lalake. Kahit na hindi naman nagrereklamo ang kanilang partner sa kanilang figure, pakiramdam pa rin ng mga babae ay sexually unattractive sila ay hindi sila swak sa ‘standard’ ng sexy o fit.
Kung sa tingin ng babae ay hindi siya sexually appealing, ang pakiramdam niya ay hindi rin siya sexually appealing sa kanyang partner kahit hindi naman ganito ang iniisip ng lalaki.