GALIT na galit kay Russell si Avery. “Natitiyak kong nagsisinungaling ka lang, mister! Hindi mo ako talagang nakikita! You lied!”
Nawirduhan si Russell. “Hindi ako liar, miss. Ikaw ay nakasuot ng puting damit na long-sleeved, mahaba ang buhok, may nunal sa tuluan ng luha...”
“Oh my Lord! T-tama lahat ang sinabi niya!” sabi ni Avery sa diwa, lalong nalito. Bakit siya nakikita at nadidinig ng lalaking ito?
Naisip tuloy ni Avery: Posible bang ito ay sugo ng Impiyerno, ipinadala sa Lupa para siya ay i-torture?
“Ikaw ba ay isang demonyo?”
Natawa si Russell. “No, ang mga nakakakilala sa akin, laluna mga babae, ay tinatawag akong maginoong anghel! Ha-ha-ha-ha.”
“Then you must be the Grim Reaper, si Kamatayan!” usig ni Avery.
Ayaw mapikon ni Russell, nagtirik ng bagong sinding kandila sa puntod ng ina. Iniiwas ang mga mata sa babaing kausap.
“Bakit hindi ka makasagot? Dahil ikaw nga si...Kamatayan?”
“Miss, ako si Russell na anak ng nakalibing dito sa nitso. Binabalaan kita, malapit na akong mapikon at kapag ako’y napipikon sa magandang babae, ako’y...nanghahalik!
“Kawawa sa akin ang mga labi mo!” mahabang sagot ng guwapong binata.
Napaurong si Avery, nasindak sa banta ni Russell. Hindi niya ma-imagine na siya ay makakatikim ng halik.
Ang tulad niya ay wala nang karapatang makipaghalikan, diin niya sa sarili-- sa natutulirong isipan.
Pilit nagpakatatag ni Avery. “Don’t even think about it! Hindi ka kabilang sa mga tulad ko, Mister Russell!
“Narito ka lang sa Lupa, ako ay nasa mas mataas na antas na! I’m on a higher plane of existence!”
Dumiin sa isip ni Russell ang sinabi ng misteryosang babae. “Anong higher plane of existence ang sinasabi mo, miss? Anong ako’y nasa Lupa lang?”
Pero mabilis nang palayo si Avery, papunta na sa di-kalayuang musoleyo.
“Wait! Sino ka? Sabihin mo man lang ang name mo!”
Lumingon si Avery pero nagtuloy na sa loob ng musoleyo. (Itutuloy)