Kahit anong oras ay puwedeng mag-wish pero mas malaki ang tsansang magkatotoo ang wish kung itatapat mo ang pag-usal ng iyong kahilingan o wish sa mga sumusunod na pagkakataon:
Kung aksidenteng nasira ang zipper ng suot mong damit.
Kung nakasakay ka sa barko at may nakita kang bee na lumipad.
Kapag nakapulot ng itim na pakpak, itirik ito nang patayo sa lupa at saka mag-wish.
Kapag nangati ang lips, pagdikitin ito at isipin ang iyong wish.
Kapag nakakita ng white butterfly.
Mag-wish bago buksan ang Bible.
Kapag nakapulot ng pugad ng ibon. Dalawa ang hilingin kung may shell na kasama ang pugad. Siguradong parehong matutupad ang dalawang wishes.
Mag-wish kung birthday mo.
Mas malakas ang tsansang matupad ang wish kung magwi-wish pagkasilang (within 24 hours) sa isang baby ng inyong kamag-anak.
Kapag bumagsak ang silyang inuupuan mo. Itutuloy