Ngayong ‘Holiday Season’
Last Part
Ito ay huling bahagi ng paksa kung paano ka magkakaroon ng malusog na puso. Narito pa ang ilang paraan:
Iwasan ang alcohol – Ang pag-inom ng alak ng sobra-sobra ang tiyak na sisira ng iyong puso at pagtaas ng blood pressure habang papabilis ang pagtaba o pagdadagdag ng timbang. Kaya dapat kang umiwas sa pag-inom ng alak.
Malaking tiyan – Dapat mong i-monitor ang iyong tiyan, dahil indikasyon ng paglaki ng tiyan ay ang pagkakaroon ng hypertension, bad cholesterol at panganib ng atake sa puso.
Stress – Mabilis magkaroon ng sakit sa puso ang mga taong palaging stress. Kaya sa oras na nakakaramdam ng stress, bakit hindi mag-relax? At pag-aralan ang mga teknik kung paano pakakalmahin ang emosyon at isip.
Palaging i-monitor ang iyong blood pressure at cholesterol level – Ang mga taong high blood ay mas mapanganib sa heart attack. Kaya dapat palaging i-monitor ang iyong blood pressure. Mas makakaiwas na magkaroon ng sakit sa puso kung magkakaroon ng maayos na life style at diet.
- Latest