Panaginip: Naging unano ako sa panaginip. Naglalakad ako nang biglang humangin nang malakas at ako ay natumba. Inilipad ako ng hangin pero nakakita ako ng isang puno na pagkakapitan. Nagpahinga ako sa ilalim ng puno at iniisip kung itutuloy ko pa ba ang aking naantalang paglalakad.---Kitz
Interpretation: Hindi mo pa nararating ‘yung tinatawag na “maturity”. Pakiramdam mo ay “bata” ka pa rin. Ang malakas na hangin na nagpatumba sa iyo ay ang mga pagsubok sa iyong buhay at ang “pagtumba” mo ay kahinaan mong magdala ng problema. Nasa point ka ngayon ng iyong buhay kung saan pinag-iisipan mo kung itutuloy mo pa ba ang iyong paglalakbay tungo sa iyong mga pangarap o titigil ka na lang.