Hindi na ba kayo okey?

Lahat ng bagay na nagaganap sa loob ng isang relasyon ay may mga palatandaan bago pa man maganap gaya ng nanlalamig na relasyon. Paano nga ba malalaman kung ang isang relasyon ay “on the rock” o patungo sa hiwalayan blues? Narito ang ilang palatandaan:

Malamig na halik – Makikita mong nanlalamig ang iyong partner sa’yo kapag sa oras na hinalikan ka niya  ay wala naman ang buo niyang atensiyon sa’yo, bagkus ay tila para ka lang bangkay na kanyang iniwanan ng “last kiss”.

Naka-“close fist” -  Minsan, hindi namamalayan ng isang tao, lalo na ng lalaki na nakatikom pala ang kanyang kamao. Senyales ito na nagtitimpi ng kanyang inis o galit ang ganitong porma ng tao at nakahanda siyang makipag-away sa’yo anumang oras.

Galit na panga – Hindi man magsalita ang isang tao ay makikita mong galit siya kapag nakatiimbagang ang kanyang panga.  Kaya kapag ganito ang itsura ng iyong partner sa tuwing maghaharap kayo, dapat ay tanungin mo na siya kung mayroong kayong problema na hindi mo pa nalalaman.

Hindi makatingin ng diretso – Gaya ng kasabihan “Your eye is the mirror of your soul”, kapag hindi makatingin ng diretso sa’yo ang iyong partner, tiyak na may itinatago siyang sekreto sa’yo.

Malamig na paghawak sa iyong kamay – Kung dati ang uri ng inyong “holding hands” ay halos wala talagang papasukan ng hangin ang pagitan ng inyong kamay, ngayon ay napapansin mo naman na tila halos ayaw niyang idikit sa iyong palad ang kanyang palad. Indikasyon ito na inilalayo na niya ang kanyang sarili sa’yo “emotionally” at “physically”.

 

Show comments