Sex at Overweight (2)

Maraming nagkakaproblema sa sex kapag med­yo mabigat ang katawaan o mataba. Bumababa ang sex drive, nawawala ang desire, at nagkakaproblema sa “performance”.

Kung mataaas ang cholesterol, insulin resistance senyales ito ng type 2 diabetes, maaaring maapektuhan ang sexual performance na makakaapekto sa iyong desire, lalo na sa mga lalaki. Ito ay dahil ang mga medical conditions na ito ay maaaring maging sanhi para mag-shut down ang maliliit na arteries sa penis lalo na kapag nagsimula nang mamuo ang mga taba na puwedeng bumara at kadalasan nagreresulta ito sa impotence o erectile dysfunction.

Ayon sa mga eksperto, kapag may problem na sa erection ang mga lalaki, nawawala na ang desire sa sex. Nagkakaproblema rin ang mga babae sa sex kapag sila ay overweight.

Nawawala rin ang desire at sex drive ng mga babae kapag tumataba.

Naaapektuhan ang blood vessels papuntang clitoris [ang area sa vagina na malaki ang kinalaman sa sexual response] sa mga babae   kaya naaapektuhan ang responses ng mga ito at bumababa ang sexual desire. (source: webmd.com)

Show comments