Takot Mabaon sa Utang
Panaginip: Saka ko lang nalamang walang pera sa aking wallet nang magbabayad na ako sa cashier ng isang supermarket. Pinagalitan ako ng cashier at sinabing ang lakas ng loob mamili pero wala namang pera. Ang dami pa namang taong nakarinig kaya hiyang-hiya ako. Ang supermarket ay nasa itaas ng building. Matarik ang hagdanan. Kinakabahan ako sa pagbaba dahil natatakot akong mahulog.---Gray Heart
Interpretation: Ang problema mo ay maaaring tungkol sa utang o financial obligations. Ito ang ibig sabihin ng magbabayad ka pero walang laman ang iyong wallet. Kinakabahan kang mabaon sa utang. Ito ang sinisimbolo ng natatakot kang mahulog mula sa hagdanan.
- Latest