^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (89)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

KRAAAASSHH. Una ang ulo na nag-crash sa karagatan ang eroplanong sinasakyan ni Tatiana.

Tanging ang Diyos ang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa mga pasahero, kasama na ang babaing walang kabusugan.

Tuluy-tuloy sa pusod ng karagatan ang dambuhalang international flight. Sa bilis ng pangyayari, hindi alam ng mga lulan ng eroplano kung ano ang sanhi; binomba ba ng mga kaaway?

Ang sigurado, anumang sandali ay sasabog ang eroplano, sasambulat nang napakalakas.

Isang nilalang ang mabilis na kumawala sa eroplano, kaybilis ding pumaibabaw sa tubig.

BLAAAMM.

Nag-apoy ang bahaging iyon ng karagatan.

Pero nakalayo na sa kaligtasan ang nag-iisang survivor.

Si  Tatiana, ang Number One Enemy ng tao; ang babaing hindi na mabilang ang krimeng ginawa.

Muli, tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam kumbakit buhay pa si Tatiana. God works in many ways.

“Ha-ha-ha-ha-haa!” Hinahalakhakan ni Tatiana na siya ay buhay pa.

“Magaling ako! Hindi ako kayang patayin ng tao, Amang Garnuk!”

Tatay ni Tatiana si Garnuk. Ito ang nakaanak kay Sophia na asawa ni Almario.

 Si Garnuk ang nagbigay-buhay sa alien na si Tatiana.

WALANG alam si Sophia sa nangyari kay Tatiana; hindi alam na nabuhay ito sa sakuna sa karagatan.

Kumokontak pa rin si Sophia kay Garnuk sa pamamagitan ng thought-wave.  

“Masyado nang nakapaminsala sa tao ang iyong anak, Garnuk! Iuwi mo na lang siya sa inyong uniberso!

“Titiisin kong mapawalay kay Tatiana basta buhay lang siya, Garnuk!”

Paulit-ulit ang pakiusap ni Sophia kay Garnuk pero walang resulta. “Bingi ka ba, ha, Garnuk?”

BWAMM. Biglang lumitaw sa harap ni Sophia si Garnuk! (ITUTULOY)

ALMARIO

AMANG GARNUK

BIGLANG

BINGI

DIYOS

GARNUK

NUMBER ONE ENEMY

SI GARNUK

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with