^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (88)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

KUNG ano ang plano ni Tatiana sa pagsabit sa gulong ng pa-take off na eroplano ay siya lamang ang nakakaalam.

Para siyang tangang nakakapit sa ilalim ng eroplano, mula sa ibaba ay makikitaan ng lahat-lahat; wala pa namang suot na panties.

Ang tanong e kung makatatagal siya sa pangu­ngunyapit sa ilalim ng sasakyang panghimpapawid.

“Kailangang makapasok ako sa eroplanong ito. Dapat akong makaupo nang kumportable, katabi ng mga pasahero.”

Pinuwersa ni Tatiana ang isang takip sa ilalim ng eroplano.

Nabuksan niya iyon. Doon siya pumasok nang pasimple.

Saglit na gumewang-gewang ang lipad ng eroplano dahil sa ginawa ni Tatiana sa takip sa ilalim.

Nakabawi naman agad, umayos muli ang lipad.

Hindi nagtagal, nasa loob na ng economy class si Tatiana. Muli, ang babaing laging gutom lamang ang nakakaalam kung paano siya nakapasok.

Maluwag ang eroplano, kakaunti ang pasaherong lulan.

“Dito ako mauupo sa tabi ng bintana. Tanaw ko ang kalupaan at karagatan. Ang gutom ko ay makapaghihintay pa...”

Ang hindi na makapaghihintay ay sina Sophia at Almario. Alalang-alala na sila sa sasapitin ni Tatiana; kinikilabutan sa lilikhain pa nitong gulo sa mundo ng mga tao.

“Masakit man, Sophia, dapat nang mapatay ang anak mong alien.”

“Almario, malupit ka. Anak ko ang pinag-uusapan natin!”

“Anak ninyo ni Garnuk!”

Saglit na natigilan si Sophia, naalala ang hari ng ibang uniberso na nakialam sa kanyang pagka­babae; anak nito sa kanya si Tatiana.

“Almario, kokontakin ko si Garnuk. Siya ang makapipigil kay Tatiana na gumawa pa ng karahasan!

“Mas nanaisin ko pang bawiin na ni Garnuk si Tatiana, dalhin na sa kanilang uniberso!”

MAY IBANG plano ang Langit. Nag-crash sa malawak na dagat ang eroplano kasama si Tatiana!  (Abangan Ang Wakas)

ABANGAN ANG WAKAS

ALALANG

ALMARIO

ANAK

DAPAT

DITO

GARNUK

SAGLIT

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with