May ibang medical conditions na humahantong sa hypothermia. Kagaya ng nakaranas ng stroke o taong mayroong diabetes na dumadanas ng hypoglycaemic episode na hindi makakilos at nananatili lang na nakahiga sa mahabang panahon na karaniwang walang kakayahan na protektahan ang sarile sa hypothermia.
Sintomas ng hypothermia
Hypothermia ay maaaring malaman sa tatlong stages – mild, moderate at severe. Ang sinyales at sintomas ng hypothermia ay maaaring masukat ang pagkakaiba:
Para sa mild hypothermia (35-32 oC), senyales at sintomas kagaya ng: maputla at malamig kapag hinipo dahil ang blood vessels ay humigpit sa balat.
Namamanhid ang parte ng katawan
Matamlay o inaatok
Nangangatal
Pagtaas ng heart rate at paghabol ng paghinga.