Alam n’yo ba na mayroong 40,000 uri ng kabute o mushrooms? May mga kabute na ligtas kainin ngunit ang iba naman ay may lason. Sa katunayan may mga kilalang tao na ito ang ikinamatay gaya ng Great Buddha, Roman Emperor Tiberius at Claudius, Alexander I of Russia, Pope Clement II at King Charles V ng France. Ang morel naman ang opisyal na pambansang kabute ng Minnesota. Ang Kennett Square, Pennsylvania, ang kinikilala bilang Mushroom Capital of the World. Ang isang portabella mushroom ay nagtataglay ng mas maraming potassium kumpara sa saging. Mahalaga ang potassium sa katawan, dahil tinutulungan nito na mapanatili ang maayos na bilang ng pintig ng puso ng tao at mabalanse ang muscles at ugat ng katawan.