Narito ang ilang bagay na dapat mong tandaan bakit kailangan mong maging totoo sa iyong kaibigan anuman ang sitwasyon.
Maging tapat – Sa kabuuan o pangkalahatan, kailangan mong maging tapat sa kahit na sinuman, lalo na siyempre kung ito ay iyong kaibigan. Ang maliliit na itinuturing na “white lies” , kapag dumami ay nagiging mapanganib, kaya hangga’t maaari ay maging tapat sa kanya. Isipin mo na lang kung hindi ka magiging totoo sa kanya, sino pa ang aasahan mong magsasabi ng tapat sa kanya?
Maging handa – Anuman ang iyong sasabihin sa kanya dapat mong ihanda ang iyong sarili, lalo na kung sa tingin mo na ito ay medyo sensitbo para sa kanya. Halimbawa, nakita mo ang kanyang gf/ bf na mayroong kasamang iba, dapat mong paghandaan kung paano mo ito sasabihin sa kanya sa paraang hindi siya mabibigla, magagalit at masasaktan. At kung ganito kasensitibo ang iyong sasabihin sa iyong kaibigan, dapat kang humanap ng magandang tiyempo at lugar kung saan mo ito sasabihin. Huwag na huwag mo itong sasabihin sa kanya na kayo ay nasa isang pampublikong lugar , lalo na kung hindi mo pa naman kabisado ang magiging reakiyon niya para maiwasan ang isang maeskandalong eksena.