Mga pinsalang dulot ng ‘boxing’
(Last Part)
Dislocation ng Balikat
Minsan nadi-dislocate ang mga balikat ng mga boksingero dahil sa maling porma o sobrang galaw. Nangyayari ang dislocation ng balikat dahil sa paghiwalay ng mga buto na Scapula sa shoulder joint. Ang dislocated na balikat ay lubhang masakit. Dahil sa paglawit ng balikat at kawalan ng kakayahan na maigalaw ang braso sa dati nitong posisyon kaya nang yayari ang dislocation ng balikat
Linalagyan ng splint o suporta upang manatili ang posisyon balikat para madaling gumaling ang dislocated na balikat. Ang malubhang dislocation o multiple dislocations ay maaaring humantong sa operasyon upang maayos ang napinsalang tissues na nakapaligid sa shoulder joint.
Mga Kaukulang Hakbang upang Maiwasan ang Pinsala
Maaaring gumamit ng kaukulang hakbang ang mga boksingero upang malimitahan ang posibilidad na pinsala katulad ng:
Protective Equipment: Headgear, no-foul protector cup, mouthpiece, hand wraps at gloves na tumitimbang ng 16 ounces ay dapat suot ng boksingero sa lahat ng sparring sessions.
Petroleum Jelly: Dapat lagyan ang mukha ng boksingero nito upang ang mga suntok ay dumulas lang sa panahon ng contact.
Yelo: Pampabawas ng pamamaga at sakit pagkatapos ng workout para maiwasan pa ang ano pa mang pinsala.
Pahinga: Isa itong numero unong paraan sa pagpapagaling.
Stretching: Dapat itong ginagawa bago o pagkatapos ang workouts.
Pagpapakondisyon: Ang sobrang pagod at pinsala ay mayroong malaking kaugnayan sa isa’t isa. Kapag ang isang boksingero ay kondisyon ay mas malaki ang porsiyento na maiwas sa pinsala sa katawan.
Depensa: Kilangan na marunong ang isang boksingero na depensahan ang kanyang sarile sa loob ng ring upang maiwasan ang malubhang pinsala sa katawan.
Pakiramdaman ang Sarile
Sa lahat ng naging kaso ng pinsala sa pagboboksing ay naging dahilan ang kawalan pagtatantsa sa sarile. Ang pinsala ay nangyayari kapag ang mga kaukulang hakbang ay binabalewala.
- Latest