Isa ang kidney o atay sa pinaka importanteng bahaging katawan. Nagsasala ito ng dumi sa dugong dumadaloy sa kataawan, nagpo-produce ng hormones, humihigop ng minerals, gumagawa ng ihi at nagbabalanse ng acid sa katawan. Kaya naman nangangailangan ito ng mabuting pangangalaga. Maaaring hindi agad makita o maramdaman kung may diperensiya ang kidney kaya naman tinatawag itong “The Silent Disease”. Kaya bago mahuli ang lahat narito ang ilang bagay na dapat mong iwasan para mapangalagaan ang iyong atay:
Hindi pag-inom ng tamang dami ng tubig – Ang pinakaimportanteng trabaho ng atay ay ang magsala ng dumi ng katawan ng tao, pero paano nito gagawin ang pagsasala ng dumi kung kulang sa tubig ang iyong katawan.
Maaalat na pagkain – Kailangan ng katawan ang sodium o salt para makapagtrabaho ito ng maayos. Kaya lang may ilang tao na maraming nakokonsumong asin na minsan ay nagiging sanhi rin ng pagkakaroon ng high blood at stress sa atay. Dapat na 5 gramo lang ng asin ang maipapasok mo sa iyong katawan kada araw.
Nagpipigil ng ihi – Minsan dahil sa sobrang kabisihan o pagmamadali, kahit naiihi na ay pinipigilan mo pa rin ito para hindi ka maabala sa anumang iyong ginagawa. Kung palagi ka na lang magpipigil na ilabas ang iyong ihi, magkakaroon ng pressure ito sa iyong kidney at maaaring magdulot ng kidney failure. Kaya kung naiihi, huwag mag-alintana na pumasok sa comfort room at pagbigyan ang iyong katawan na makaramdam ng ginhawa.
Iwasan ang matatamis na inumin – Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, ang pag-inom ng mahigit sa dalawang bote ng matamis na inumin ay nagdadagdag ng protina sa ihi ng tao. Kaya kung madidiskubre mong mataas ang protina sa iyong ihi, indikasyon ito na mayroong problema sa iyong kidney.