^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat...(74)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“KINASUSUKLAMAN ko ang mundong ito ng mga tao! Lahat ng babae dito puwera lang ang Mommy ko ay napakababahooo!” sigaw ni Tatiana, ngitngit na ngitngit sa katotohanan.

 Dinig iyon ng mga taong nasa tabing-dagat na nagsisipagtago kay Tatiana. Insultung-insulto ang mga babae. Ayaw nilang tanggapin na sila ay mababaho.

Nagpatuloy sa pagsesermon ang babaing kinakain ang lahat ng bagay maliban nga sa mababahong babae.

“Lahat ng mga babae sa lugar na ito, magsitabi! Kakainin ko ang mga lalaki ninyo! Sila na lang ang pagtitiyagaan kooo!”

 Wala nang babala pang nanghabol na nga ng mga lalaki si Tatiana. Sagpang kaliwa-kanan. Kagat-kain-nguya.

 Hindi man lang nakapanlaban ang kawawang kalalakihan. Bata, matanda, teeners na mga lalaki ay nabiktima ni Tatiana.

Lagim na lagim ang mga babae, saksi sa kalupitang walang katulad. Namula sa sariwang dugo ng mga biktima ang lupa.

BANG!

Tunog iyon ng baril na ipinutok sa itaas; warning shot, babala.

Nakita ni Tatiana ang may-hawak ng sandata.

Takang-taka ang babaing laging gutom. Ano bang klaseng tao ang kaharap niya?  Bakit kayhirap ikategorya?

 “Anong uri ka ng tao?” usig ni Tatiana sa may-hawak ng baril.

 Itinuon nito ang baril kay Tatiana, handang iputok sa kaaway ng tao.

 “Ako si Gorgonia alyas Gor. Ako’y Tibo, Tomboy...”

Lalong nalito si Tatiana. Mukhang lalaki ang kaharap pero natitiyak niyang hindi lalaki.  

Kung gano’n ay... babae pala ito?

 “Inuutusan kitang maghubad. Ngayundin!” sigaw ni Tatiana.

 Pero putok ng baril ang tugon ng tomboy. BANG.

“Aaahh!” Tinamaan si Tatiana, napangiwi sa sakit.

(ITUTULOY)

vuukle comment

AAAHH

ANO

ANONG

AYAW

BABAE

LAHAT

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with