Maraming mga singles ang patuloy pa rin na naghihintay para sa kanyang magiging “better half”. Ang iba hindi nila nakikilala ang lalaking ito dahil posibleng pihikan sila o di kaya ay nasa isang relasyon na, pero hindi nila namamalayan na hindi pala ito ang taong para sa kanila. Minsan, kahit na may karelasyon ka na, hindi ka pa rin masaya dahil ginagawang miserable ng lalaking ito ang iyong buhay. Narito ang ilang palatandaan na ang lalaking akala mo ay nagpapaligaya sa’yo, ‘yun pala ay sakit siya ng iyong ulo. Ayon kay Lilian Glass, PhD, at author o may akda ng “Toxic Men: 10 Ways to Identify, Deal with and Heal from Men Who Make Your Life Miserable”, masasabi mong “Toxic” o sakit sa ulo ang lalaki kung siya ay:
May posibilidad na “serial cheater” o manloloko – Hindi siya nakakatingin ng diretso sa iyong mga mata. Ayon kay Glass, kapag ang lalaki ay may kilalang manloloko, hindi maaaring mawalan ito ng palatandaan sa kanyang pagkatao gaya ng hindi pagsasabi ng detalyadong bagay sa kanyang buhay, mahilig makipagngitian sa ibang babae, kahit na ikaw ay kasama niya at nakikipag-usap sa kanya.
Posibleng siya ay “Insecure” – Mahilig siyang humawak sa’yo. Ang mga lalaking maituturing na “needy” o palaging nangangailangan ng atensiyon ay makikitang laging nakahawak sa iyong braso, balikat at likod. Ang mga ganitong lalaki ay hindi maituturing na “sweet”, malaking senyales umano ito ng “insecurity”.
Nangmamanipula – Palagi niyang inookupa ang iyong “personal space” kahit hindi mo naman ito ipinagagawa sa kanya. Ang mga lalaking nangkokontrol ay may kayabangan at arogante. Ginagawa niya ito para maipakitang ikaw ay pag-aari niya.
Seloso – Ang mga lalaking seloso ay mahilig magnakaw ng tingin sa’yo. Hindi siya mahilig makipag-eye-to-eye dahil ayaw niyang makita mo ang tunay na nilalaman ng kanyang isip. Ginagawa niya ang pagnanakaw ng tingin upang obserbahan o mabantayan ka lang sa iyong mga gagawin. Ito ay dahil iniisip at pakiramdam niya ay pag-aari ka niya.