Ito ay karugtong ng paksa kung anu-anong bagay ang dapat iwasang gawin ng mga kababaihan. Narito pa ang ilan:
Umaasa sa mga produktong pampapayat – May mga babaeng gustung-gustong pumayat, kaya naman kung anu-anong naiisip nilang kainin at inumin para lang mabawasan ang kanilang timbang. Minsan, pinapatulan na rin nila ang mga pagkaing “sugar-free” kuno, dahil hindi naman totoong wala itong sugar dahil pinapalitan lang nila ito ng mga artificial sweeteners gaya ng “Aspartame”. Karaniwan itong natatagpuan sa mga diet drinks at napatunayang mas malaki ang posibilidad na maging sanhi ito ng obesity, batay sa resulta ng pag-aaral ng University of Texas Health Science Center. Nagkakaroon din ito ng epekto sa isip ng mga gustong mag-diet. Dahil inaakala nilang “sugar free” ang pagkain, mas marami silang nakakain nito, kaya mas madaming calories ang naipapasok nila sa kanilang katawan.
Pagsusuot ng mataas na takong – Dahil gusto nilang makaramdam ng kumpiyansa sa sarili at magkaroon ng magandang hugis ng binti, kaya naman nagtitiyaga sila na magsuot ng sapatos na may matataas na takong.
Walang calcium sa katawan – Ayon sa isinagawang survey ng Creighton University Medical Center, 85% ng mga kababaihan ay kulang sa calcium kada araw kaya naman nagdudulot ito ng pagtaas ng bilang ng osteoporosis. Inirerekomenda na dapat na nagtataglay ng 1,000mg ng calcium ang bawat kababaihan na may edad 19-50-anyos. Kaya ugaliing kumain ng pagkain na mayaman sa calcium gaya ng gatas, isda at yoghurt.