Iniwan ng bf

Panaginip: Hiwalay ako sa asawa pero may boyfriend na kagaya ko rin hiwalay sa asawa. Napanaginipan kong mag-a-abroad kaming dalawa pero pagdating sa airport, nagbago ang isip niya, iniwan niya ako at umuwi siya sa kanyang pamil­ya. Sumakay ako sa eroplano pero ayaw nitong lumipad.-  Easy Life

Interpretation: Ang eroplanong ayaw lumipad ay nagpapahayag na walang katiyakan ang iyong magiging buhay sa tinutukoy mong boyfriend. Malaki ang posibilidad na pamilya pa rin niya ang kanyang number one priority at hindi ikaw.

Show comments