Ang stretch marks ay resulta ng mabilis na pagkabanat ng balat dahil sa biglaang paglaki o pagtaas ng timbang.
Sa pagkabanat ng balat ito ay nagreresulta ng pagkapunit ng gitnang bahagi ng balat na dahilan upang lumitaw ito sa labas na bahagi ng balat na tinatawag na stretch marks.
Ang dermis ay mayroong matibay at magkakaugnay na fibres dahilan upang mabanat ang balat kapag ito ay lumalaki ngunit sa mabilis na paglaki ng balat ito ay maaaring ma-over-stretch at maputol ang mga fibres.
Kapag napunit ang dermis ay nagiging sanhi ito upang lumitaw sa outer layer ng balat ang blood vessels kaya ang kulay ng stretch marks ay pula o purple.
Kung ang blood vessels ay lumiit ang maputlang kulay na fat sa ilalim ng iyong balat ay lilitaw at ang stretch mark ay mapapalitan ng kulay silvery-white.
Kailan lumilitaw ang stretch marks?
Lumilitaw ang stretch marks:
•Sa panahon ng pagbubuntis
•Mabilis na pagtaas ng timbang
•Sa panahon ng puberty
•Kapag may family history ng stretch marks
•Kapag ay may nararanasang kondisyon katulad ng Marfan syndrome
•Pagkatapos ng mahaba at hindi tamang pag-inom ng corticosteroid medication
Pagbubuntis
Karaniwan ang stretch marks sa panahon ng huling bahagi ng pagbubuntis mga 8 sa 10 nagdadalang tao ang nakakaranas nito. Nakadepende ang pagkabanat ng balat sa klase kung gaano ka-elastic ang balat.