Alam n’yo ba na sa bansang Norway, libre sa parking at pagsakay sa barko ang mga may-ari ng kotseng pinatatakbo ng elektrisidad? Ang electric cars ang nangungunang nakikitang solusyon dito sa suliranin sa gas emissions o sa polusyon na dinudulot ng usok ng mga sasakyan. Sa 2018, tinatarget ng Norway na magkaroon ng 50,000 sasakyan na hindi na nagbubuga ng usok sa daan. Kaya naman ang bentahan ng mga electric cars sa bansang ito ay patuloy na tumataas at maaaring ang nasabing target na bilang ay makuha na sa taong 2015. Sa Iceland naman, mas tumataas ang bentahan ng libro dito kumpara sa ibang bahagi ng mundo. Sampung porsiyento ng Icelanders ay nagiging manunulat ng sarili nilang libro.