‘Puppy Love’
IDAING MO KAY VANEZZA
Dear Vanezza,
Tawagin nyo na lang akong Renzo, 22. May gf po ako na 15 years old. Sa umpisa pa lang ay lagi niyang sinasabi sa akin na crush niya ako. Second year high school pa lang siya. Puwede ba kaming magkatuluyan habang siya ay nag-aaral pa? Kasi po parang malabo maging kami dahil medyo matanda ako sa kanya. Pero mahal po namin ang isa’t isa. Lagi kaming nagkikita at nag-uusap. Tama ba na umibig ako sa kanya ng lubos? Kaya ako nagkagusto sa kanya ay dahil talagang crush daw niya ako at mabait naman po siya. Totoo po ba na mahal niya ako at tama po ba na umibig ako sa kanya? Hindi kaya siya magbago sa akin pagdating ng panahon?
Dear Renzo,
Napakabata pa ng gf mo at posibleng crush lang talaga ang nadarama n’ya para sa iyo tulad ng kanyang sinasabi. Panahon lang din ang makapagsasabi kung kayo ang magkakatuluyan. Depende pa yan kung wala sa inyo ang magbabago ng damdamin. Kaya maghintay ka hanggang sa mahinog ang bunga. May kasabihang ang pinahinog sa pilit ay mapait. Huwag mo munang isipin sa ngayon na magkatuluyan kayo dahil maaring ang nararamdaman ninyo ngayon ay magbago sa paglipas ng panahon lalo’t may makikilala kayong iba. Pagtapusin mo muna siya ng pag-aaral at saka ninyo planuhin ang kinabukasan.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest