Lymphedema
Isang komplikadong network ang lymphatic system na kung saan ay isa itong napakapinong tubo na halos kasing laki ng karayom na magkakaugnay sa body tissues na kumokolekta ng fluid ay kilala bilang lymph. Ang Lymph ay isang milk-like substance (na mayroong white blood cells, proteins, at fats) na may importanteng ginagampanan sa pag-absorb ng fats sa intestine, sa paglaban sa impeksyon, at sa maaayos na immune system. Ang lymph ay bumabalik sa daloy ng dugo sa pamamagitan ng vessels na kilala bilang lymphatics
Nadadala ang parasitikong uod sa pamamagitan ng lamok na bumabara sa labis na pamamaga ng lymphatic filariasis (elephantiasis).
Ano ang lymphatic filiariasis?
Ang larba na napupunta sa lymph vessels ay nagiging adult worms. Ang lalaking uod ay mahaba at payat na umaabot ng 4 hanggang 5 cm ang haba, at 0.1 mm ang diameter samantalang ang babae naman na uod ay mas malaki na may haba na 6 hanggang 10 cm, at tatlong beses na malapad sa mga lalaki. Ang uod na nasa tamang gulang na ay namamahay malapit sa lymph glands sa ibabang bahagi ng katawan. Naglalabas ng itlog ang babaing nasa tamang edad sa paligid ng egg membrane (microfilariae), at ang microfilariae (mi-kro-fi-LAR-ee-i) ay nade-develop upang maging larvae para sa pagpapatuloy ng life cycle.