Hapag-kainan- Last Part
Ito ay karugtong ng paksa kung ano ang kahalagahan ng pagsasama-sama ng bawat miyembro ng pamilya sa hapag-kainan.
Mas maganda pa rin kung sa bawat pagkain mula umaga hanggang gabi ay sama-sama at buo ang pamilyang kumakain sa hapag-kainan. Sa isang pag-aaral sa University of Minnesota, inobserbahan nila ang 2,287 na teenagers hinggil sa kanilang eating habits. Lumabas na matapos ang sampung taon na pagsusubaybay sa kanila, 51% sa kanila ay overweight at 22% naman ang obese. Nadiskubre na ang mga teenagers na lumabas na obese at overweight ay mga teenagers na nakakasalo ang kanilang pamilya sa pagkain ng tatlo hanggang apat na beses isang linggo lang. Habang ang mga natitirang bilang naman ay nadiskubreng kumakain kasabay ang kanilang pamilya araw-araw at mayroong positibong pakikisalamuha sa bawat isa.
- Latest