Hapag-kainan (1)

Maraming pamilya ang nagsisimula ng masaya ngunit nagtatapos ng malungkot. Nagkakaroon ng maraming dahilan bakit nagkakalayo ang loob ng bawat miyembro ng pamilya. Minsan, dahil sa sobrang higpit ng schedule ng bawat isa, bihira ng magkita sa loob ng pamamahay at hindi nila namamalayan na unti-unti ng nasasara ang komunikasyon sa isa’t isa. Isa sa mga nawawalang aktibidad ng pamilya ang pagsasalu-salo sa hapag-kainan.  Siyempre, minsan late uuwi si Tatay, kaya mauunang kumain ang mga bata kasama lang si Nanay. Kung ganito ang nangyayari, hindi ito dapat pagtagalin. Dapat na magkaroon kahit tatlong beses isang linggo ng sama-samang pagkain sa hapag-kainan, kung talagang mahigpit ang sche­dule ng bawat miyembro ng pamilya. Ang paghahapunan ng sama-sama ay mahalaga. Maituturing kasi itong “bonding time” ng pamilya. Kaya sikapin na puro masasayang bagay ang dapat na pag-usapan. Kung gusto naman magsermon sa mga anak, mas mabuti kung pagkatapos na lang ng pagkain. Sa ganitong pagkakataon, dapat din na magkaisa ang pamilya na ilayo muna ang cell phone sa inyong mga kamay upang magkasarilinan ang pamilya.  (Itutuloy)

Show comments