Problemado sa ‘pimples’
Dear Vanezza,
Tawagin n’yo na lang po akong Ms. Aries, 14 years old na po ako. Pinoproblema ko po ngayon ay yung pagkarami ng pimples ko. Minsan nawawalan ako ng confidence sa harap ng tao. Lalo na pag makikita ko ang crush ko, yumuyuko na lang ako. Ano pong mabisang sabon para mawala yung mga taghiyawat ko? More power and God bless.
Dear Ms. Aries,
Dumarating talaga sa ganyang stage ang isang tao, ang tawag diyan ay “puberty age”, kung saan nagbabago ang bilang ng iyong hormones kaya naman mayroon ka rin makikitang manipestasyon nito sa iyong pisikal na katawan. Kagaya na lang ng iyong nararanasan ngayon na nagkakaroon ka ng pimples kung saan natural lang naman lalo pa’t may mga poreses ka sa mukha. Hindi mo rin dapat lagyan ang mga pimples mo ng kung anu-anong gamot dahil maaaring mas lalong mairita ang balat mo sa mukha. Mas mabuti kung gumamit ka na lang muna ng mga mild soap o mga hypoalergenic soap na para talaga sa mga sensitibong balat. Ugaliin mo rin ang paglilinis ng iyong mukha bago matulog at pagkagising sa umaga. Kung nangangati ito, lagyan lang ng yelo at huwag kakamutin.
Hindi rin dapat itong maging dahilan para magkaroon ka naman ng insecurity. Okey lang ang may pimples basta makikitang malinis pa rin ang iyong mukha at buong katawan. Ang iba kasi halos takpan na ng buong panyo ang kanilang mukha kapag may pimple. Hindi ka dapat magkaganito.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest