Makinis na balat (2)

4. Kumain ng prutas at gulay

Ang mga prutas at gulay ay mayaman sa bitamina at mineral na kailangan ng iyong balat at mapanatiling malusog ang pangangatawan. Kagaya ng Bitamina C (antioxidant) na kilala sa produksiyon ng collage. Ito ay protina na tumutulong sa cells at blood vessels na mag-regenerate. Pinapalakas at ginagawang siksik nito ang balat.

Mga prutas at gulay na mayaman sa vitamin C kagaya ng:

Oranges and grapefruits

Red and green peppers

Kiwis

Guavas

Strawberries

Brussels sprouts

Cantaloupes

Mahalagang kumain ng pagkain na mayaman sa antioxidants. Ang antioxidants ay molecules na pumipigil sa mga free radicals. Makukuha ang mga free radicals ng iyong balat sa paninigarilyo pesticide, polusyon. Pinaniniwalaan din na ang free radicals pinagmumulan ng cancer, kaya kumain ng mga pagkain na mayaman sa antioxidant upang maiwasan ang cancer. Ang mga halimbawa ng antioxidant ay bitamina C, E, at K,  beta-carotene atlycopene.

Para makakuha ng mas maraming antioxidants sa mga kinakain ay kailangan isa alang-alang ang mga kulay dahil kung mas matingkad mas maraming antioxidant ang makukuha. Ang mga pagkain na mayaman sa antioxidant ay katulad ng:

patatas

Carrots

Kalabasa

Kamatis

Mangga

Spinach, kale, at iba pang dark leafy greens

Apricots

Almonds at walnuts

Broccoli

Grapefruits at blood oranges

Sunflower seeds

Show comments