Ang babaing kinakain ang lahat (55)

SA LOOB ng motel room, nakita nga ng guwapong waiter ang sadyang ipinakita ni Tatiana sa suot na bathrobe.

Napalunok ang waiter, nanaig ang pagnanasa sa bawal na ‘putahe’. “N-Nakupo, ma’am, n-now showing po k-kayo...”

“Ano pa ang hinihintay mo? Wala rito ang date ko, come and get it!” nanunuksong anyaya ni Tatiana.

Hindi na nagdalawang-isip ang normal na waiter, nanaig ang pagkalalake. “Sinuswerte ako... t-tama ang horoscope ko...”

Napangisi nang mahalay si Tatiana. Dinala na ang hayok na waiter sa malapad na kama.

Wala nang nakapigil sa kanilang pagniniig.

Bigay na bigay ang babaing alien, kumalam na naman ang sikmura, nagutom na naman.

At gaya ng ugali ng The Praying Mantis o mandadangkal, pinatapos muna ni Tatiana ang pagnanasa ng waiter.

Hingal ito sa maluwalhating pagod. “Haaah-aaahh. Kaah-kaahh.”

“Alam mo bang nagbasa rin ako ng horoscope ko for today?”  namumungay ang matang sabi ni Tatiana.

“Talaga, ma’am? Ano naman po ang sabi...?”

“Na makakatalik ko ang lalaking hindi na sisikatan ng araw? Ikaw ‘yon.”

“H-Ho?”

“Meron pa. Ang lalaki daw na makakatalik ko –ikaw--ay... aking kakagatin, ngunguyain, kakainin...”

“H-HO?!”

Nakangising tinanggal ni Tatiana ang pustiso; nakita ng waiter ang matutulis-matatalim na ngipin at pangil.

“AAAAHH!” Nakasigaw din ang biktima bago nakain ni Tatiana. Pumulandit sa wall ng motel ang dugo. (Itutuloy)

Show comments