^

Para Malibang

Laging iniiwan ng bf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago n’yo na lang po ako sa alyas Dessa. Lagi po akong iniiwan ng mga naging bf ko. Hindi naman ako pangit at lalong hindi masama ang ugali ko. Pero sabi ng mga friends ko, masyado raw akong todo magmahal kaya lumalaki ang ulo ng mga nagiging karelasyon ko. Kailangan ko raw magpakita ng kaunting delikadesa sa sarili at hindi ko raw dapat na ipakita na ako ang patay na patay sa lalaki. Naka-apat na akong boyfriend. Lahat sila natikman ako. Ang hindi ko maintindihan, tuwing makaka-isang taon, bigla na lang sila maglalahong parang bula. Napapabayaan ko na nga pati trabaho ko. Gumagastos din ako sa kanila para lang lumigaya sila. Pero nawawala rin sila sa akin. Malas po kaya ako sa pag-ibig? 

Dear Dessa,

Tama ang payo ng iyong mga kaibigan. Sa isang relasyon, hindi mo dapat ibinubuhos ang damdamin bagaman kailangang ipakita mo rin at ipadama ang iyong pagmamahal. Hindi mo rin kailangang gumastos para lang manatili sa iyo ang isang minamahal. Kung gusto ka niyang iwan, walang magagawa ang pera. Kailangang bigyan mo rin ng dignidad ang sarili. Gaya nang sabi mo, napapabayaan mo na pati trabaho mo para lang palagi kang malapit sa bf mo. Sana mabago ang paghawak mo sa isang bf na tila ginagawa mong baby. Hindi sapat ang ganda at pera para manatili ang magandang relasyon ng nag-iibigan.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKO

DEAR DESSA

DEAR VANEZZA

GAYA

GUMAGASTOS

ITAGO

KAILANGAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with