^

Para Malibang

Aphrodisiacs: Fact or Fiction?

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Naniniwala ba kayo sa mga pagkaing Aphrodisiacs o mga pagkaing nakaka-stimulate ng sexual desire?

Sinasabing ang aspa-ragus, almonds, cho­colate, avocado, talaba, bawang, sili at iba pa ay mag pagkaing ‘pampagana’.

Pero minsan nasa isip lang natin na nai-sti­mulate tayo kapag iniisip pa lang natin na kumain tayo ng pagkaing aphrodisiacs.

Ayon sa WebMD.com, tila nasa isip lang natin ang epekto ng mga pagkaing aphrodisiacs base sa ilang reseach,

Ang mga pagkaing aphrodisiacs ay nakaka-stimulate ng ating love senses (sight, smell, taste at touch).

Walang pagkakataon na napatunayan ng siyensiya na nakaka-stimulate ng sex organs ng tao.

Ngunit kapag kinain ang mga pagkaing ‘pampagana’ ay maaaring makapag-suggest ng sex sa ating isip na nakakatulong para ma-stimulate ang ating katawan.

Kaya makakatulong ang pagkain ng mga ‘sensual food’ sa inyong sex life.

May limang klase ng Aphrodisiacs ayon sa WebMD.com…

*Maaanghang na pagkain – mga pagkaing nagbibigay ng init o moisture (tulad ng chili o curry) na sinasabing bumubuhay ng “heated” passion .

*Mukhang sexual organ -- mga pagkain na parang kamukha ng  male o female genitalia na tulad ng talaba, tahong, at mga root vegetables tulad ng carrots.

Mga pagkain na galing sa genitals. Ito ang mga pagkaing tulad ng soup no. 5, itlog, mga genitals ng baboy o baka  na sinasabing nakakatulong sa sexual desire at potency.

Exotic food. Ang mga pagkaing exotic food ay sinasabing erotic food. Kapag bihira ang isang pagkain at kapag mahal ito, pinaniniwalaang ito ay sexually exciting. Kapag dumami na ito, hindi na ito sexual food.

Mga pagkaing bumubuhay ng senses—Ito ang mga pagkaing nakaka-stimulate ng senses (sight, smell, taste at touch) sa na nakakaengganyong paraan ay nakaka-stimulate ng passion.

 

AYON

KAPAG

KAYA

MAAANGHANG

MUKHANG

NGUNIT

PAGKAING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with