Alam n’yo ba na noong unang panahon, naniniwala ang mga matatandang artists na mayroong mga particular na kulay para labanan ang masamang espiritu na gustong pinsalain ang mga bata? Dinadamitan nila ng kulay asul ang mga batang lalaki dahil ito raw ang kulay ng langit kaya hindi malalapitan ng masamang espiritu habang ang mga babae naman ay dinadamitan ng kulay itim. Ang orihinal na painting na Mona Lisa ni Leonardo Da Vinci ay ninakaw noong 1912, kaya naman naglabas ng anim na replica nito at binenta sa malaking halaga. Tatlong taon ang lumipas bago nakitang muli ang orihinal na painting. Ang sikat na American primitive painter na si Grandma Moses ay namatay sa edad na 101 taong gulang noong Disyembre 3,1961.