Alam n’yo ba na ang greek god na si “Aphrodite” ang nagbigay ng pangalan sa bulaklak na “rose” o rosas. Ang “hip” ng rose ay nagtataglay ng mataas na lebel ng vitamin C kumpara sa ibang bulaklak at prutas. Ang bulaklak na ito ay maituturing na “ageless”. Nadiskubre ang bakas ng rose 40 milyong taon na ang nakararaan. Noong unang panahon sa Greece, ginagamit na adorno ang rose lalo na sa mga magagarbong okasyon. Sobra ang pagmamahal ng asawa ni Napoleon na si Josephine, kaya naman nakapagtanim siya ng 250-uri ng roses. Isang matandang kuwento tungkol sa rose ang lumabas, kung saan ang anak ng greek goddess na si Venus na si Cupid ay aksidenteng naibato ang mga tinik sa hardin ng roses, matapos na makagat ng bubuyog si Cupid. Dito nagsimulang magkaroon ng tinik ang mga rosas.