Last Part
Maraming may diabetes ang nagkakaproblema sa sex. Ngunit maaaring solusyunan ito sa pamamagitan ng pagko-control ng blood glucose, pagpapababa ng blood pressure, cholesterol at triglyceride levels.
Mga dapat malaman ng mga babae tungkol sa sex at diabetes
Tulad ng mga babae, nakakaranas din ang mga lalaki ng pagbaba ng libido kapag tumataba o kapag depress. Pero ang karaniwang komplikasyon ng diabetes sa ang lalaki ay erectile dysfunction (ED) kung saan nahihirapan magkaroon ng erection o panatilihin ang erection para sa sexual intercourse.
Maraming lalaki na may diabetes ang nagkakaroon ng ED dahil sa testosterone deficiency, na malalaman sa simpleng blood test lang. Maraming sanhi ng ED bukod sa diabetes. Puwedeng maging dahilan ng ED ang stress, high blood pressure, sobrang alcohol at depression.
Maraming puwedeng treatment sa ED at na-ngunguna rito ang Viagra o Levitra. Puwede rin ang pag-inom ng testosterone treatments, penile constriction rings, penile sleeves, vacuum pumps, injections, suppositories, at surgical implants.
Mas makabubuting komunsulta sa inyong doctor para sa nararapat na treatment.
Tandaan: anuman ang problema sa sex life, mas makabubuting pag-usapan ninyo ito ng iyong partner para maintindihan ka niya at mas maganda kung magtutulungan kayo para magkaroon ng healthy sexual relationship.