Gusto mo bang maging slim sa napakadaling paraan? Bakit hindi mo subukan ang mga sumusunod:
Maligo ng malamig na tubig – Ang malamig na tubig lalo na sa umaga ay mabilis makapagsunog ng calories sa iyong katawan. Kapag naliligo ng malamig na tubig, nananatili pa rin ang temperature ng loob ng iyong katawan. Ito ang magiging dahilan bakit ka madaling papayat dahil ang temperaturang ito ay magpapataas ng iyong metabolic rate. Ang prosesong ito ay nagsusunog ng 100 calories sa katawan. Importante ang paliligo sa umaga dahil mas nakakapagsunog ito ng mga calories sa iyong katawan kumpara sa paliligo sa ibang oras ng maghapon.
Uminom ng malamig na tubig – Ang palagiang pag-inom ng malamig na tubig ay nakakatulong para masunog naman ang 5-10 calories sa iyong katawan. Ito ay dahil nangangailangan ng maraming energy ang katawan para magsunog ng fats sa loob nito. Kaya naman kapag umiinom ng malamig na tubig, mas nagkakaroon ng energy ang katawan.
Tumawa at magsalita lagi – Gaya ng kasabihang “laughter is the best medicine”, lumalabas sa maraming pag-aaral na ang pagtawa at pagsasalita ng madalas ay mas nakakapagpapayat. Kapag tumatawa kasi at nagsasalita, tumataas ang heartbeat at heart pump kaya naman bumibilis ang daloy ng iyong dugo. Bukod dito, tumataas din ang iyong body heat o mas umiinit ang pakiramdam ng iyong katawan, kaya kung mapapansin mo, kapag tawa ka ng tawa ay nagpapawis ka. Nagreresulta ito ng mas mabilis na metabolism sa iyong katawan.