Alam n’yo ba na gumagastos ng 2 bilyong dolyar ang mga Amerikano para ibili ng kanilang “Halloween candy” para sa pagdiriwang ng Halloween? Ang salitang “Hallow” ay isang English word na ang ibig sabihin ay “Sanctify”. Kaya naman ang Roman Catholic, Episcopalians at Lutherans ay nagsasagawa ng kanilang “All Hallows Day” para bigyan ng parangal ang mga santo sa langit kilala man o hindi. Nagdiriwang din sila ng “Holiday of Feralia” kung saan binibigyan nila ng parangal ang mga namatay na. Ang mga sumasali sa okasyong ito ay nag-aalay ng panalangin para sa mga patay. Isinasagawa nila ito tuwing Pebrero 21. Ngunit ang petsang ito ay binago naman ni Pope Boniface IV, kung saan mula sa Pebrero 21 ay naging May 13 at tinawag na “All Saints Day” hanggang sa muling ilipat ng Nobyembre 1.