Tama ba ang ‘sperm count’ mo? (2)

Ito ay karugtong ng paksa kung paano magkakaroon ng malusog at tamang sperm count si kuya.

‘Organic foods’ – Nakatitiyak ka ba na “fresh” ang kinakain mong mga gulay? Sa pag-aaral ng American Society for Reproductive Medicine Annual Meeting lumalabas na 70% ng mga lalaking kulang ang sperm ay pawang mga kumakain ng gulay na kontaminado ng pesticides. Maaari kasing patayin ng pesticides ang sperm bukod pa sa pinahihina nito ang produksiyon ng sperm sa iyong katawan. Kaya mas piliin ang mga organic foods at tiyakin na hindi nai-sprayan ang mga ito ng pesticides.

Produktong mula sa gatas – Ayon sa mga eksperto, ang pagkaing gaya ng keso at gatas ay maaari rin makapagpababa ng sperm count  dahil na rin sa pagkain ng mga baka na kontaminado ng pesticides. Kaya naman hindi malabong ang mailabas din nilang gatas ay may halong pesticides. Sa halip mas piliin ang gatas na low-fat dahil mas nakakapagpataas ito ng sperm count kumpara sa mga whole milk. Nagpapataas din ng insulin growth ang low-fat milk.

Alak – Maraming negatibong epekto sa katawan ang pag-inom ng alak, pinalalabnaw kasi nito ang sperm concentration kaya mabilis na namamatay. Sa pag-aaral ng mga eksperto sa Brazil noong 2012 lumalabas na kapag mataas ang lebel ng alcohol sa iyong katawan ay nagiging sanhi ito ng pagkabaog. Kaya kung iinom ng  alak, tiyakin na ito ay katamtaman lang at hindi makakaapekto sa iyong kalusugan.

Show comments