‘Tinnitus’ (3)
Mga gamot na sanhi at nagpapalala ng or tinnitus
May mga gamot na sanhi ng tinnitus. Pinaniniwalaang naapektuhan nito ang cochlea (ear). Ang mga sumusunod na gamot katulad ng:
• nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDS), katulad ng Motrin at naproxen
• spirin at ibang salicylates
• Lasix at iba pang “loop” diuretics
• antibiotics na nagtatapos sa -mycin (katulad ng erythromycin)
• quinine
• chemotherapy
Paano na da-diagnose ang tinnitus?
Dahil ang tinnitus ay isang sintomas at hindi isang sakit, kailangan mapag-aralan ang sanhi nito. Ang taong nakakaranas ng tinnitus ay dapat masuri ng doctor na eksperto sa sakit sa tainga kagaya ng otolaryngologist. Kailangan masuri ang tainga at pandineg. Sa pantay na tinnitus ay karaniwang sanhi ito ng pagkawala ng pandineg pero sa mga taong hindi alam na may panghihina na ang pandineg maaaring marineg ang tinnitus sa tahimik at walang ingay na lugar.
- Latest