Epekto ng Diabetes sa ‘sex life’ (2)

Maraming may diabetes ang nagkakaproblema  sa sex. Narito ang mga dapat nating malaman ukol sa diabetes at sex sa mga babae at lalaki.

Mga dapat malaman ng mga babae tungkol sa sex at diabetes.

Ang mga babaeng may diabetes ay maaaring magkaroon ng problema sa pakikipag-sex. Maaa­ring mahirapang mag-stimulate ng lubrication, matagal o mahirap mag-orgasm o puwedeng maapektuhan ang sexual desire dahil sa nerve damage.

Ngunit maaaring solusyunan ito sa pamamagitan ng pagko-control ng blood glucose, pagpapababa ng blood pressure, cholesterol at triglyceride levels.

Narito ang ilang tips mula sa www.diabeticli­vingonline.com  para mabawasan ang problema sa pakikipagsex.

Solusyunan ang dryness - Kung laging dry ang vagina, bumili ng water-base vaginal lubricant sa pharmacy na mabibili ng over-the-counter lang. Puwede rin ang Kegel Exercises para ma-relax ang c  c cmuscles sa paligid ng vagina. Ang Kegel exercise ay ang pagko-contract ng pelvic muscles para makontrol ang pagdaloy ng ihi.

Magbawas ng timbang - Kapag overweight, puwedeng bumaba ang self-esteem at mawala ang libido. Ayon sa isang research sa Duke University, natuklasang ang mga obese na babae at lalaki ay gumaganda ang pakiramdam sa pakikipag-sex kapag bumababa ang timbang.

Para mabawasan ang timbang, kumonsulta sa registered dietitian o sumali sa weight-loss program.

Bawasan ang stress - Maaaring mawala ang sexual desire kapag nai-stress. Alisin ang mga bagay na nakaka-stress sa buhay. Ikonsidera ang yoga o meditation para mawala ang anxiety at makalma.

Solusyunan ang depression - Malaki ang epek­to ng depression sa sex life. Kung walang gana at nawawala ang interes sa sex o iba pang activities, humanap ng outlet, mag-confide sa kapamilya o kaibigan para matulungan kang masolusyunan ang depression. (Itutuloy)

 

 

Show comments