Ang babaing kinakain ang lahat (46)

PARANG batang musmos na tuwang-tuwa si Tatiana, kasakay ng ina at ama-amahan sa SUV, papunta na sa opisina ni Almario sa lunsod.

“Mommy, Daddy Almario, napakaganda po pala ng mundo ninyo! Ganito raw po ang aming planeta noong lumang panahon!”

Napangiti ang mag-asawa. Ang moderno pala nilang mundo ngayon ay niluma na ng panahon kung kasaysayan ng planeta nina Tatiana ang pagbabasihan.

“By the way, anak, ano nga pala ang ngalan ng planeta ninyo?” tanong ni Almario habang nagda-drive. “Is it Venus, Mars, Jupiter... ?”

Umiling si Tatiana. “Hindi po kabilang sa mga planeta ng tao, Daddy  Almario. Ang amin pong planeta ay hindi pa nadidiskubre ng mga taga-mundo.”

“At ano naman ang tawag, anak?” tanong ni Sofia, nasa unahang upuan katabi ni Almario.

Lumarawan ang pagmamalaki sa mukha ni Tatiana, kitang labis ang pagpapahalaga sa sariling planeta.

“My planet is called...  KUNRAG.”

Natigilan sina Almario at Tatiana. Naunawaang iyon ay binaligtad na letra ng isang salitang pamilyar na sa kanila.

“KUNRAG? Inverted form ng GARNUK?”

“Yes, Daddy Almario. Kasi’y ang aking ama ang umpisa at simula ng aming uniberso. The Alpha and the Omega.

“The beginning and the end. Siya ang aming Diyos,”  klarong salaysay ni Tatiana.

“Awesome,” nasabi na lang ni Almario.

ILANG sandali pa ay nasa opisina na ni Almario ang mag-anak. Hindi maitago ang excitement ni Tatiana. Nakita kasi niya ang mga binata; mas guwapo kaysa kay Dexter ang mga ito.

Napatingin sa aquarium ng opisina si Tatiana. Napalunok, natakam sa mga gold fish. (ITUTULOY)

 

Show comments