Kakatwang bagay kay ate kapag ‘meron’ siya

Mabilis makaamoy ng “bakla” – Sa ganitong panahon ng mga kababaihan, mabilis din nilang maramdaman kung bading ang isang lala­king kanilang kaharap.  Kaya kung ikaw ay single at naghahanap ka ng lifetime partner, mas mabuting maghanap sa panahon ng iyong ovulation para agad mong maamoy kung bakla si kuya.

Nag-iiba ang boses – Ito pa ang hindi mo magugustuhan. Kapag may mens’ ang babae, naiiba rin ang kanyang boses, dahil pumapangit ito.  Sa  pag-aaral ng mga eksperto bumababa ang mood ng mga babae kapag may mens’ sila, kaya nagiging malungkot ang kanilang boses at pumapangit.

Mabilis makahuli ng ahas – Kung ikaw ay girls scout at nasa gitna ng madamong lugar, mabilis mong mararamdaman kung mayroong ahas na papalapit sa’yo. Hindi mo alam kapag mayroong kang mens’ ay napoproteksiyunan mo ang iyong sarili mula sa mga ganitong panganib.

Mayroon kang “sexy fantasies” -  Ayon sa Siyensya, ang babae kapag nag-o-ovulate ay nagkakaroon ng mga pantasya sa kanyang imahinasyon. Naitala na nagkakaroon ng 0.77 fantasies kada araw ang isang babae, pero sa oras na dumating ang ikatlong araw bago sumapit ang ovulation ng babae, tumataas ito ng 1.3 kada araw kaya mas mabilis ma-arouse ito.

Mas mabilis kapitan ng impeksiyon – Mas madaling kumapit ang impeksiyon sa mga babae kapag sila ay nag-o-ovulate dahil may mga babaeng hindi mapagkatulog at nagkukulang sa pahinga sa panahon ng kanilang menstruation. Kaya bumababa ang immune system ng babae. Ipinapayong uminom ng sapat na bitamina para sa iyong katawan.

Show comments