Ito ay huling bahagi ng paksa hinggil sa mga bagay na nakakakapagdulot ng insecurities sa mga kalalakihan: Narito pa ang ilan:
Kapag tumatanda – Kahit pa nakikita mo ng nagdodoble-doble na ang guhit sa noo ng iyong mister at naglalabasan na lahat ng uri ng wrinkles sa kanyang mukha, huwag mo ng ipagduldulan sa kanyang reyalisasyon na siya ay matanda na, dahil tiyak na makakaramdaman lang siya ng “insecurities” na posibleng magpababa ng tiwala sa kanyang sarili. Hindi lahat ng lalaki ay magiging katulad ng Hollywood actors na sina George Clooney at Richard Gere na habang tumatanda ay mas nagiging ma-appeal.
Pagpapakita ng “love” – Lahat naman ng tao ay may iba’t ibang paraan upang magpakita ng kanilang pagmamahal sa kanilang partner. Ang iba masyadong magastos, ang iba naman ay mas pinipili ang mga bagay na mura lang. Kung ang naibigay niya sa’yo ay murang halaga lang na regalo, hindi mo ito dapat ipagmarakulyo. Gaya ng isang kasabihan “It’s the thought that counts”.
Hindi makapagbukas ng jar – Minsan, ang mga babae dahil sa sobrang feminine ay halos hindi makapagbukas ng bote o garapon kaya naman agad tayong tatakbo kay kuya at sa kanya ito ipagagawa. Kaya lang kapag hindi nila ito magawa, nagkakaroon sila ng pagkainis sa kanilang sarili, kaya kahit pa magkasugat-sugat na ang kanilang kamay ay gagawin nila ang lahat ng paraan para maibigay ang hinihingi ni ate.