Ang babaing kinakain ang lahat (40)

MAPAIT ang  ngiti ni Sofia sa anak na kinakain ang lahat puwera lang ang nabubulok na binti ng tao.

 Kasusuntok lang niya nang malakas sa dibdib ni Tatiana; ang huli ay napasigaw sa sakit. “AAAAHHH!”

 “Ibig lang sabihin niyan, Tatiana, hindi ka invincible! Kaya kang patayin aumang oras!” diin ni Sofia.

“Hindi mo ako papatayin, Mommy! Anak mo akoo!”

“Tama, I can’t kill you! Pero papatayin ka ng ibang tao dahil sa sagad na kasamaan mo!”

 Lumarawan ang kilabot sa mukha ni Tatiana. Takot itong mamatay sa mundo ng mga tao.

 Pero  mayamaya lang ay nabuhayang muli ng loob. “Subukan lang na ako’y patayin ng sinumang tao, Mommy!

 “Natitiyak kong gaganti agad ang aking amang si Garnuk!

 “Gugunawin niya  ang mundo n’yo!”

Napaigtad si Sofia, kinilabutan. Hindi niya kayang tanggapin na dahil kay Tatiana ay magugunaw  ang daigdig.

 Maglalaho ang lahat ng tao, na-imagine ng butihing guro-ina. 

  Bigla’y nawala ang paninindigan ni Sofia. Napatingin sa putol na mga binti ni Manong Emong. Nabubulok nga ang mga ito dahil sa gangrene.

Kahit nandidiri ay ibinalot niya ang mga binti, dinala sa drum ng basurahan sa likod-bahay.

Doon ito sinilaban. BLAABB.

 Ilang sandali ring umamoy ang nasusunog na laman ng tao.

Sa dami ng gaas at sa patuloy na pag­ liliyab, napulbos na pati buto ng binti ni Manong Emong.

 Guilty na guilty si Sofia, alam na bahagi siya, accessory ng perfect crime ni Tatiana.  (ITUTULOY)

Show comments