Ang papaya ay isang topical fruit na masarap at tiyak naman na maaakit ka sa itsura at lasa nito, bukod pa sa mga magagandang benepisyo na makukuha rito. Ang papaya ay orihinal na nagmula sa Amerika. Noong unang panahon, sinasamba ng mga Mayans ang puno ng papaya at tinatawag din nila itong “Tree of Life” dahil sa rami ng bentaheng nakukuha rito. Maging ang sikat na si Christopher Columbus ay naging paborito ang papaya. Ang prutas na ito kasi ang ipinapangsalubong ng mga katutubo sa mga manlalakbay na kasama ni Columbus. Ginagamit din ng mga katutubo ang katas, prutas, dahon at buto ng papaya para ipanggamot sa tiyan gaya ng pangpatay ng bulate. Ginagamit din ang papaya ng mga kababaihan sa India, Pakistan at Bangladesh upang pigilan ang pagbubuntis at pagpapalaglag. Narito ang iba pang benepisyo ng papaya:
Pampakinis ng balat – Mabuti itong gamitin na “pack” sa mukha para maalis ang mga dumi gaya ng white/black heads. Maging ang impeksiyon sa balat at acne ay ginagamot din nito. Ang taglay kasing “papain” nito ang siyang nagtatanggal ng mga dead cells sa mukha kaya naman ang resulta ay isang sariwa at kumikinang na balat.
Pampababa ng cholesterol – Dahil mayaman sa fiber ang papaya, pinabababa nito ang antas ng cholesterol sa dugo. Ang enzymes din na taglay nito ang nagbabalanse sa iyong dugo upang maiwasan ang “heart attack”.
Anti-Aging – Mahusay din ang papaya para mapigilan ang iyong pagtanda dahil nakatutulong itong mag-moist ang iyong balat at maiwasan ang pagkatuyot kaya hindi ka agad magkaka-wrinkles.
Panlaban sa paninigas ng dumi – Dahil nga sa fiber at enzymes na taglay nito, maiiwasan ang “constipation” o paninigas ng dumi dahil tumutulong itong tunawin ang mga pagkaing nasa iyong tiyan. Ang juice ng papaya ay panlaban din sa colon cancer dahil nililinis nito ang daanan ng iyong dumi. Lilinisin din nito ang mga maduduming likido sa colon.