Pampahaba ng buhay ni lolo’t lola (2)

Panatilihin ang tamang timbang. Ang sobrang taas ng timbang ay maaaring magpataas ng pa­nganib ng sakit sa puso. Gumamit ng Kaiser Permanente BMI (body mass index) calculator para malaman ang tamang timbang para sa tamang taas.  Para magkaroon ng tamang timbang at mapanatili ito, kumain ng tama at manatiling aktibo. Mas mabuting uminom ng maraming tubig kumpara sa mga juices na mataas ang taglay ng sugar.

Iwasan ang pagbagsak at bagok. Kapag tumatanda na mas tumataas ang panganib ng pagkabagok at pagbaksak. Para maiwasan ang pagkabagok o anumang pinsala ay alisin ang mga sobrang carpet at mga basahan. Tanggalin ang mga sagabal sa daanan katulad ng electrical cords kalat, at gumamit ng  night-lights sa hallways at palikuran. Alam nyo ba na ang mga taong malimit maglakad ng nakaya­pak ay mas madalas na nadadapa kaya gumamit ng sapatos at tsinelas sa paglalakad.

3. Laging up-to-date sa immunizations at iba pang  health screenings. Sa edad na 50 sa mga kababaihan dapat na sumailalim sa mammography screening para sa breast cancer at sa mga kalalakihan naman ay magpasuri para sa prostate cancer. (Itutuloy)

Show comments