Last Part
May iba’t ibang uri ng treatment para sa Erectile Dysfunction. Natalakay na natin ang tungkol sa pag-inom ng Viagra at iba pang kauri nito, pagtuturok ng injection, suppositories at pumps.
Narito ang iba’t ibang treatment ayon sa health.com.
5. Constriction rings - Ang Constriction rings na tinatawag ding “Cock rings” ay isinusuot sa base ng penis para hindi agad lumabas ang dugo sa base ng penis. Bagama’t hindi dinadagdagan ng contriction rings ang blood flow papunta sa penis, mapapahaba nito ang erection kapag na-achive na ito (puwedeng gamit ang vacumm pump o stimulation). Ngunit hindi dapat ginagamit ang cock rings ng mahigit pa sa 30-minuto at kailangang tanggalin agad kung makakaramdam ng panlalamig o pamamanhid o pananakit sa genital area.
6. Implants - Kung mayaman ka, puwedeng subukang magpa-implant para malunasan ang erectile dysfunction. Ang technology ng penile implants ay lalo nang lumalawig. Nakikipagsabayan na rin ito sa implants sa iba pang bahagi ng katawan.
May dalawang uri ng implants.
Ang Inflatable implants (makikita sa larawan) ay cylinders na ini-implant sa erection chambers ng penis at binobombahan ng hangin ng hydraulic pump implanted sa scrotum (ang bilog sa itaas na bahagi ng larawan ay reservoir na nilalagyan ng saline solution sa pamamagitan ng pump).
Ang Malleable implants ay semi-rigid na nabe-bend na parang alambre na ini-implant sa penis na puwedeng imanipula ng mano-mano para magkaroon ng erection o ibalik sa normal o flaccid ang penis.
Operasyon - Bihira lang ang nagpapa-vascular surgery. Ito na ang huling option para sa mga lalaki na nais remedyuhan ang problema sa Erectile Dysfunction. May mga pasyente na nakikinabang sa operasyong ito ngunit hindi ito ganun karami.