Ang mga lolo’t lola natin ay nasa dapit hapon na ng kanilang buhay. Aminin man natin sa hindi tayo ay darating din ang panahon na tayo ay tatanda rin katulad nila. Sa ganitong kalagayan ng ating mga lolo’t lola ay nangangailangan sila ng kalingat pag-aaruga upang mapahaba pa ang kanilang buhay dito sa mundong ibabaw. Paano ba mapapahaba pa ang buhay ng ating mga nakakatandang mahal sa buhay? Anu-ano ang tamang gabay sa pagpapanatiling malusog at humaba pa ang kanilang buhay? Naririto ang ilang mga gabay sa malusog at pampahaba ng buhay ang ating mga lolot’ lola:
Huminto sa paninigarilyo. Kung si lola’t lolo pa ay naninigarilyo ay marapat na sila ay unti-uniting pahintuin sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi ng mga sakit kautlad ng cancer, strokes at heart failure.
Maging aktibo. Mag isip ng mga bagay na pagkakaabalahan nila lolo’t lola sa araw-araw para maging physicaly fit at maging matalas pa ang memorya. Sa pagiging aktibo ay mapapanatili ang malakas na pangangatawan at flexibility ng ating mga nakakatandang mahal sa buhay. Maaaring makaiwas din sila sa mga sakit, makatulog ng maayos, mabawasan ang stress at maging maayos ang pakiramdam.