Last Part
Maaaring mag-umpisa ang male pattern baldness sa maagang edad, ngunit maaaring maranasan ito ng kalalakihan sa edad 40 pataas. Bagaman maraming lalaki ang nakararanas ng ganitong uri ng pagkalagas ng buhok ng iba’t ibang lahi. Hanggang sa ngayon ay wala pang natutuklasan na lunas para sa ganitong sakit. Ang ilan ay nagsusuot na lang ng peluka o sumasailalim sa hair transplant.
Kapag numinipis ang buhok ay hindi naman laging nangangahulugan na nalalagas na ang buhok. Sa halip, maaaring ito ay dahil ang mga hibla ng buhok ay nagiging mas pino, o nagiging mas manipis, at sa gayon ay nawawala ang kapal ng buhok. Ayon sa isang servey, maaari itong magkaroon ng sukat na mula sa 50 micron sa ilang tao hanggang sa 100 micron naman sa iba. Lalong numinipis ang buhok habang tumatanda. Kaya ang kaunting pagnipis ng bawat hibla ng buhok ay may malaking epekto sa pagbabago ng kabuuang kapal nito.
Tamang pangangalaga sa buhok - Tumutubo ang buhok nang mahigit na sampung milimetro bawat buwan, ito ang isa sa pinakamabilis tumubong bahagi ng katawan. Kapag ang lahat ng tumubong buhok ay pinagsama-sama, aabot ito sa mahigit na 20 metro bawat araw!
Bagaman wala pang natutuklasang mga lunas sa pagkakaroon ng uban at pagkakalbo, malaki ang ating magagawa upang mapangalagaan ang buhok. Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na nutrisyon at pagpapabuti sa sirkulasyon ng dugo sa anit. Ang labis na pagdidiyeta o maling sukat ng pagkain ay makapagpapabilis sa pagkakaroon ng uban at pagnipis ng buhok. Iminumungkahi ng mga propesyonal na i-shampoo natin nang regular ang ating buhok at masahihin ang ating anit, at iwasang makalmot ito ng ating mga kuko. Pinasisigla nito ang wastong sirkulasyon ng dugo sa anit. Matapos i-shampoo ang iyong buhok, banlawan itong maige.
Hindi rin dapat puwersahin na i-brush ang buhok dahil hindi rin ito nakakatulong maiwasan ang paglalagas ng iyong buhok.