Alam n’yo na kapag pinipilit mo ang iyong sarili na tumawa, napapalitan ng kasiyahan ang iyong bad mood? Mas madaling tumawa o ngumiti kaysa sumimangot. Ayon sa pag-aaral, mas maraming muscle sa iyong katawan ang kailangan mong gamitin para sumimangot kaysa ngumiti. Mas madali raw makakuha ng promotion sa trabaho ang taong palaging nakatawa kumpara sa nakasimangot. Mayroong dalawang uri ng “smile”: “Polite social smile”, ito ang uri ng pagngiti na ginagamit kapag may nakakasalubong kang kakilala o kailangan mo lang ngumiti sa isang tao. Ang isa pa ay ang “sincere felt smiles” kung saan mas maraming muscles ang nare-relax sa iyong mukha.